Maja crazy in love kay Diether

maja-salvador

FIRST time magsasama bilang magka-love team ang primetime princess na si Maja Salvador at ang Kapamilya hunk na si Diether Ocampo sa romance anthology at star-studded celebrity movie event ng taon “24/7 In Love” ng Star Cinema na mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa sa November 21.

Sa episode na pinagbibidahan nina Diet at Maja, itatampok ang nakatutuwang staff-boss love story ng hopeless romantic na si Barbara (Maja) at ng “commitment-resistant” niyang amo na si Ken (Diether).

Bagama’t tanggap na ni Barbara ang ugali ni Ken, hindi pa rin niya maiwasang pangarapin ang pagdating ng panahon na mamahalin rin siya ng kanyang dream boy boss. Ngunit nakatakdang magbago ang lahat sa pagpasok sa buhay nila ng isang baby na misteryosong sumulpot sa hotel room ni Ken.

Paano paglalapitin ng isang sanggol ang puso nina Barbara at Ken? Handa bang maging mommy si babae kung sakaling anak nga ni lalaki ang iniwang baby? Makikipag-commit na ba si Ken sakaling mahulog na ang loob niya kay Barbara?

Bale apat ang direktor ng naturang pelikula, sila ay ang pinaka-promising young directors ngayon na sina Mae Cruz, Dado Lumibao, John D. Lazatin at Frasco Mortiz.

***

Kilalang fashion designer nagmakaawa sa publisidad

NAGKATABI sa upuan ang ex-beauty queen at kilalang fashion designer na ang name ay kapangalan ng isang award-giving-body sa Amerika nang mag-judge sila sa isang event. Since, ang una naman ang nag-imbita ng media kaya siya ang kinunan ng litrato ng mga ito. Hindi nakatiis ang huli kaya nakiusap ito sa katabi niya at sa press people na isama naman daw siya sa picture taking, at sabay hirit na, sana raw ay makasama siya sa istorya kapag lumabas na ang mga pralala ng maganda at seksi pa ring beauty queen.

***

Mga ex ni PNoy type ni Willie

PAGKATAPOS kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad na ex ni Pangulong Noynoy, na ikina-disappoint ni Willie Revillame dahil matapos niya itong kunin bilang host ng Wil Time Bigtime ay bigla namang nag-decide na magpakasal kay Pasig Rep. Roman Romulo, heto’t isa na namang sosyalera na na-involve rin kay PNoy ang muling kinuha ni Willie para maging co-host-si Grace Lee.

Pormahan din kaya ng TV host/comedian si Grace, katulad nang ginawa niya kay Shalani? Well, sana magtagumpay na siya at hindi ulit ma-Luz Valdez. Hehehe!

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.       

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply