Maja, Matteo nagkabalikan?

maja-and-mateo

MAY balikan blues nga ba sa rating mag-dyowang sina Maja Salvador at Matteo Guidecelli? Guest kasi ang aktres sa The Buzz at tinanong siya ni Charlene Gonzales kung totoong naka-relate siya sa linya ni John Lloyd Cruz sa “24/7 In Love” na “kung kayang ayusin, ayusin…” say ni Maja, like raw niya ang linyang ‘yun at oo raw, naniniwala siya na habang kaya pang ayusin, go! Sa punto ring ito, tinanong ang aktres kung totoong nagyakapan sila ni Matteo nu’ng minsang magkita sila sa isang event?

Nilinaw ni Maja, una raw niyang nakita si Matt Evans, at sinabi raw nitong nariyan rin ang ex-boyfriend ng aktres, kaya, in-embrace rin daw niya saglit si Matteo. Pero wala naman raw siyang naramdamdamang kilig or kuryente (kuryente raw o!) nu’ng nagyakapan sila ng ex boyfriend dahil saglit lang daw ‘yun.

Siyempre, may kilig factor pa rin sa dalawa at nilinaw ni Maja na hindi sila magkaaway ng ex-boyfriend. Maayos raw silang naghiwalay at may komunikasyon pa rin silang dalawa hanggang ngayon. Sa tanong kung may posibilidad na mainlab siya muli at kung si Matteo pa rin ang lalaking iibigin niya?

“Let’s see….” Bitin pang sabi ni Maja.

Sa ngayon raw kasi, prayoridad nilang pareho ang kanilang mga karera, na kung ating matatandaan, ito nga ang dahilan kung bakit sila naghiwalay, dahil wala silang oras sa isa’t isa.

Malay n’yo ngayon, meron na.

Charoz!

—————0————–

ILANG linggo pa lang si Grace Lee sa Wil Time Big Time pero naaliw na kami sa kanyang style of hosting. Kayang-kaya niyang makipagsabayan sa bilis ng pacing ng show sa Wil Time at maging sa mga co-hosts niyang sina Mariel Rodriguez at Camille Villar, eh, kering-keri ng Koreanang itetch na maki-jamming. Komento pa ng avid fans ng Wil Time, hindi raw boring at malamya ang dating ni Grace.

Kumbaga, tamang-tama ang personalidad niya para sa live game show na hindi aantukuin ang mga tao.

Oh well, para sa amin, good choice talaga si Grace na kapalit ni Kon. Shalani Soledad sa Wil Time Big Time. Bongga pa ang timing ni Grace dahil may umiikot na usapin na sa darating na Enero 2013, mas malaki, bubongga at mas magiging  kapana-panabik ang inihandang programa ni Willie Revillame.

Ka-join pa rin daw si Grace saan man mapadpad si Willie boy. Nu’ng nagbibiruan ang dalawa sa WTBT nu’ng Biyernes, sinabi ni Willie, “Ikaw, sasama ka naman sa akin, di ba?”

“Oo naman!” agad na sagot ni Grace.

Balita pa namin, ang mga pagbabagong ito sa programa ni Willie ay tiyak na makapagpapaligaya sa nakararami. Mas bongga ang mga games, mas malalaki pa raw ang premyong ipamimigay plus mas magiging kumportable na raw ang studio audience ngayon ‘pag pumunta sila para manood nang live. Hmmm, ano kaya ang nakahandang sorpresa ilang linggo pagkatapos ng Enero 5, 2013?

We can just imagine kung gaano kalalaki ang mga premyong ipamimigay sa inaabangang bagong tahanan ni Kuya Wil. Come to think of it, kung ngayon nga, malaking premyo na ang binibigay niya sa mga kalahok na sumasali sa programa niya, ano pa kaya sa Enero 2013 na ito?

May mga nanlalait at negatibo man ang komento kay Willie dahil sa mga hirit niya nitong mga nakaraang araw, eh, sa tingin namin hindi na kasalanan ng TV host kung apektado ang mga utaw ano man ang kanyang sabihin. Ang mahalaga, nakakatulong siya at HINDI siya nakapeperwisyo sa kapwa! ‘Yun ‘yon.

————–0————-

MAY something na ba talaga kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao at talaga namang hindi sila tinitigilan ng mga chika? Ang latest pa, gagawa raw ng pelikula ang dalawa at na kay Shaina na raw ang script, kung matutuloy ito, malalaman natin soon.

In fernezes, bagay sina Piolo at Shaina, parehong guwapo’t maganda at pareho pang single!

Matapos ang kontrobersyal nilang mga hiwalayan sa kani-kanilang mga ka-relasyon, heto’t pinag-uusapan ngayon ang ka-sweetan daw nila sa isa’t isa na nagsimula nu’ng mag-show sila abroad at inimbitahan ni Piolo si Shaina mag-lunch.

Then, may mga larawang lumabas raw sa Instagram account ng aktres ‘yun nga, magkasama sila ni Piolo.

Naku, ha? very John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban naman ang peg nito na una ring nag-pose ng larawan sa Instagram?

Eniweyz, sana nga eh, lumevel-up na rin ang espesyal na pagtitinginan nina Piolo at Shaina dahil karapatan rin naman nilang lumigaya, di vaaaah?!

Namaaan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply