Makinis naman kasi at mabango: Pokwang pinopormahan talaga ng mga bagets

pokwang

MALIBAN sa Briton na kanyang nakilala sa birthday party ng isang kaibigan sa Las Vegas, Nevada nang mag-show siya roon, talagang ligawin pala ng mga bagets itong si Pokwang na kanyang nami-meet sa party, taping o shooting ng mga pelikulang kanyang ginagawa. Kwento nga ng isang newcomer na hunk na hunk ang dating at mahilig um-extra sa TV at movies, nang makaeksena nito si Pokwang ay nagkagusto agad siya sa sikat na komedyana.

Pano, hindi lang raw ito makinis kundi ang bangu-bango pa. Kung mabibigyan nga lang raw siya ng chance ay talagang liligawan niya si Pokie at wala raw siyang interes sa pera nito kundi talagang gusto niyang maging syota lang ang nasabing celebrity na may dalawang pelikula na halos sabay ipalalabas.

Unang mapanonood si Pokie sa “24/7 In Love” ang star-studded celebrity movie ng taon na handog ng Star Cinema at palabas na ito today sa over 100 theaters nationwide.

Sobrang kinilig ang komedyana sa eksena nila rito ni Sam Milby (Charles). Sa kanyang edad na kwarenta ay virgin pa rito si Pokie isusuko na kaya niya ang kanyang “virginity” sa gigolong si Papa Sam.

At rito naman sa isa pang movie sa APT Entertainment at M-ZET TV Productions na D’Kilabots Pogi Brothers..WHEW !?, dalawa ang magpapantasya kay Pokie. Ang magkapatid sa pelikula na sina Jose Manalo bilang si Justine at Bruno na si Wally Bayola. Matuk mo kung gaano ka-riot at kasaya ang pelikula na pag-aagawan ng mag-brother ang mala-diyosang kagandahan ni Pokie at magiging rason pa ng pagiging mortal nilang magkaaway? Aba!

May premiere night ang D’ Kilabots Po gi Brothers sa November 27 at 7 pm sa SM Megamall Cinema 9 na dadaluhan siyempre ng buong cast.

Kinabukasan naman, November 28 (Wednesday), ang regular showing nito.

Don’t ever miss to watch the said movies, it’s so nakaaaliw talaga gyud!

***

Be Careful With My Heart, panalo!   

HINDI lang ang Cielo de Chuvanes ng negatibang star na si Bea Binene ang nilamon ng todo-todo sa rating ng Be Careful with My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap aka Sir Chief kundi buung-buo ring niluluto ngayon sa rating games ng kilig-serye ang katapat nila sa daytime slot na Kusina Master ni Boy Logro. So nakahihiya naman at sa latest survey ng Kantar Media last November 10 para sa national ratings, humataw sa 25.9% ang Be Careful samantalang ang nasabing cooking show sa Kapuso network ay nakakuha lamang ng 7.4%. Grabe! lagpas triple ang lamang ng serye nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard).

Sa ngayon ay nasa ikalimang puwesto ang Be Careful with My Heart sa Top 20 most watched programs sa bansa at napanonood ito Lunes hanggang Biyernes sa bagong time slot na 11:15 AM pagkatapos ng Masterchef: Pinoy Edition ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN. Win galore gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply