Malakanyang, DFA pinakikilos sa pangmomolestiya ng PHL envoy

oscar-cruz-3

HINILING ngayon ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emertitus Oscar Cruz sa gobyerno ang agaran at masusing imbestigasyon kaugnay sa umano’y pangmomolestiya sa isang overseas Filipino worker (OFW) ng Philippine envoy sa Kuwait.

Sinabi ni Archbishop Cruz, hindi na dapat hintayin ang go signal ng Pangulo at dapat ay isagawa kaagad ang imbestigasyon kay Philippine Ambassador to Kuwait Shulan Primavera upang malaman ang katotohanan sa naturang akusasyon.

Ginawa ni Cruz ang kanyang pahayag dahil na rin sa paghingi ng permiso ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pangulo para maimbestigahan si Primavera.

Si Primavera ay inakusahan ng Pinay worker ng sexual harassment.

Ayon pa sa Arsobispo, kailangang mangibabaw ang patas na imbestigasyon at hindi ang “takipan system”.

“Iyon nga ang nakapagtataka at hindi ko maintindihan, bakit kailangan pang hintayin ang go signal ni PNoy. Bakit yun bang mga diplomats they are immune from criminal investigation? Meron bang ganun yun? They are over and above the law of the country where they are citizen’s hope or where they are staying? Ano ba naman ito? Kung ganyan ang kalakaran ay talagang parang Diyos na ang Malakanyang. Na siya lahat ang nagdedesisyon kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Kaya nga dapat imbestigahan para malaman ang katotohanan. At ang pakiusap lamang, walang kublihan! Walang palakasan”.pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, hinamon ni CBCP-NASSA executive secretary Fr. Edu Gariguez si Ambassador Primavera na harapin ang reklamong sexual harrasment na ipinupukol sa kanya ng kasambahay.

Sinabi pa ni Fr. Garigez na walang dapat ikatakot si Primavera sa akusayon ng PInay worker kung wala itong kinalaman sa akusasyon laban sa kanya.

Kumpiyansa naman ang pari na hindi kukunsintihin ng Pangulo ang kanyang mga tauhan at hindi dapat gamitin ang posisyon at pagkakaibigan para maabsuwelto sa kaso ang nirereklamong ambassador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply