Malakanyang iwas-pusoy sa Bartolome issue

IWAS-PUSOY ang Malakanyang na kumpirmahin kung si Philippine National Police (PNP) deputy director general Alan Purisima ang magiging kapalit ni PNP chief Nicanor Bartolome matapos itong ilagay ni Pangulong Benigno Aquino III sa off-duty status.

Si Purisima ay itinalaga ni DILG Sec. Mar Roxas bilang pinuno ng Task Force Halalan 2013.

“That is something that we have yet to (find out). We don’t know yet. It’s up to the President to decide,” anito.

Si Bartolome ay nakatakda namang magretiro sa buwan ng Marso ng susunod na taon.

Sa kabilang dako, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng pagkakataon sina Pangulong Aquino at Bartolome para mag-usap para sa naging pahayag ng huli na bukas siya sa iba pang opsyon na naunang nabanggit sa kanya ni Pangulong Aquino.

“We have not met. There’s no schedule yet for (a meeting with) the PNP Chief and we certainly welcome the statement of PNP Chief Bartolome. Certainly, our concern here is for the situation in the coming national and local elections. We want to ensure that there will be peace and order hence the need for us to prepare early on in terms of securing the election hotspots and ensuring peace and order throughout the country during the elections,” wika ni Lacierda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply