Malakanyang, tanggap ang posisyon ng US

TINANGGAP ng Malakanyang ang posisyon ng Estados Unidos na talakayin ang e-passport sa gobyernong China partikular na ang isyu ng bago nitong mapa na sumakop sa pinagtatalunang maritime territory.

Subalit, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na bahala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ipaalam sa publiko kung ano ang desisyon ng pamahalaan sa kontrobersiyal na bagong mapa ng mga Chinese na makikita sa kanilang e-passport.

“Hindi ko po alam kung ang naging desisyon po ng Estados Unidos ay dahil po sa positions taken by Vietnam or India but, certainly, it is something that we welcome na ginawang decision ng United States to discuss this with China. In the case of the Philippines, the DFA has created an inter-agency task force and they’re looking into this particular issue. Wala pa ho yatang resolution sila. ‘Pag meron po, si Asec. Raul Hernandez will be letting us know kung ano pong magiging decision ng ating pamahalaan,” anito.

Ipinaubaya na rin ng Malakanyang sa BID at DFA  ang hakbang  na may Tsinong papasok sa bansa na may ganitong uri ng pasaporte.

“We’ve asked Assistant Secretary Raul Hernandez, ang sabi po, in the meantime ire-recognize nila. Siyempre, papasok po ‘yung tao e, hindi naman kasalanan nung citizen na ‘yung passport niya may ganoong mapa. So rerespetuhin po ng ating mga Immigration officials po, ‘yan po ang sabi ni Asec. Raul Hernandez,” anito.

Sa kabilang dako, kumbinsido si Sec. Lacierda na hindi makakapagpahina sa pag-angkin ng Pilipinas ang kontrobersiyal na bagong e-passport ng  China.

“No, hindi naman. Patuloy po ang ating posisyon diyan; hindi naman nagbabago dahil lang sa isang paglagay po ng mapa sa kanilang passport e, makakaapekto or hihina po. No. Our position has been amplified by the President in ASEAN and we see no reason why it should weaken our position,” anito.

Bahala na rin aniya ang DFA kung gagayahin ang ginawa ng  Vietnam na sa halip na i-stamp ang passport ang pasaporte ng isang Tsinoy na nagpunta sa kanilang bansa ay kumukuha sila ng hiwalay na kapirasong papel at doon isusulat ang anumang nilalaman ng e-passport na bitbit ng Tsinoy.

Para sa Vietnames, kapag tinatakan nila ang pasaporte ng isang Tsinoy ay malinaw na tinanggap nila ang bagong mapa ng China.

Aminado naman ang Malakanyang na malaki ang bilang ng mga turista mula sa China subalit hindi aniya ito rason para tanggapin ng bansa ang bagong passport ng mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply