Mandaragat na OFWs, nangunguna sa may HIV/AIDS

UMAABOT na sa 223 ang bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa Region 6 kung saan ang mga seafarers ngayon ang nangunguna at may pinakamaraming kaso ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na infected ng HIV/AIDS .

Napag-alamang ngayong 2012 ay 56 na kaso na ang naidagdag sa mga nakapitan ng HIV/AID sa Region 6.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), 48 ang bilang ng mga seafarers na nagpositibo sa naturang sakit sa nasabing rehiyon, 14 naman dito ang mga landbase contractual workers, walo ang domestic helper , pito ang skilled laborer at dalawa naman ang paramedical workers at isang entertainer.

Ayon sa DOH, sa lokal na biktima, ang mga asawa naman ang may pinakamaraming kaso ng naturang sakit na umabot sa 17.

May 16 naman ang mga nurse, 12 sa mga call centers agents , siyam na self-employed, walo ang mga office employees, walo ang mga waiters o bartenders, lima ang mga estudyante; apat ang mga tourist guide, lima ang mga negosyante, apat na guro, lima medical representatives at meron ring abogado, doktor, pulis at miyembro ng media na may kabuuang 223 kaso.

Ito ay simula lamang sa taong 1994 hanggang sa kasalukuyang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply