Mandurukot dakip sa sigaw ng biniktima

behind-bars-3

KULONG ang isang mandurukot matapos magsisigaw ang kanyang biniktima Caloocan City kagabi, Nobyembre 26.

Nakilala ang suspek na si Rolando Villegas, 49 ng Nepomuceno St., Quiapo, Manila.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, tumatawid sa Monumento ng lungsod ang biktimang si Lloyd Labajo, 25 nang itulak ng suspek sabay kuha ng cellphone sa bulsa ng una.

Naramdaman ng biktima na nakuha ang kanyang cellphone na naging dahilan upang magsisigaw na nakatawag ng pansin sa mga pulis na nagroronda.

Hinabol ang suspek at nadakip. Nabawi rin ang cellphone ng biktima.

Samantala, tiklo ang isang holdaper habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama matapos biktimahin ang isang ginang na kasakay sa dyip sa Caloocan City, kagabi.

Nakilala ang suspek na si Ludovico Pilera, 41 ng Tanigue St., ng lungsod habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.

Base sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi, kasakay ng mga suspek ang biktimang si Myralyn Santos, 24 at pagsapit sa A. Mabini at naglabas ng patalim ang mga una sabay tutok sa biktima.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng biktima bago tumakas subalit nasabat ng mga nagpapatrulyang mga pulis na naging dahilan upang madakip.

Hindi naman nabawi ang cellphone ng biktima na tangay ng nakatakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply