Mangangamoy sa basura ang Metro Manila

lily's-files-lily-reyes

HINDI kaya lalong pahirap sa mga taga-Metro Manila ang binabalak ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino, na pagbayarin ang bawat magtapon ng kanilang mga basura?

Pinag-isipan kaya itong mabuti ni MMDA Chairman Tolentino bago irekomenda na magpasa ng batas  kaugnay sa pagbabayad ng itinatapong basura ng mga taga-Metro Manila.

At kung sakaling maaprubahan ang nasabing panukala, sino ang makikinabang dito ng husto, ang local government, ang MMDA o ang mga naghahakot ng basura?

Ang pagkakaalam ko, nagbabayad na ang lokal na pamahalaan sa MMDA para sa collection ng basura, bakit kailangang magbayad pa ang mga  taga-Metro Manila, eh, di doble doble na ang kinikita ng MMDA sa mga taga Metro Manila!

Nagtataka lang ako dito kay Tolentino kung bakit  pinapasok niya ang hindi niya dapat pasukin, ang gawain ng MMDA ay maghanap ng  lupa para gawing tapunan ng basura ng mga residente ng Metro Manila hindi para dagdagan pa ang mga bayarin. Ayon kasi kay Tolentino, dapat ay mayroong bayad ang pagtatapon ng basura ng mga residente ng Metro Manila.

Sa ilalim  ng nasabing panukala ay kokolektahin ng truck, door to door ang basura at ito ay titimbangin  at magbabayad ang may-ari ng basura nang por kilo at pag hindi raw  siya nakapagbayad ay ‘di dadalhin ng truck ang kanyang basura.

Kung maipapasa ang panukalang ito ni Tolentino ay asahan na nating makakakita na naman tayo ng gabundok na mga basura sa lahat ng kanto rito sa Metro Manila, lalo na sa
mga lugar kung saan ay marami ang mga squatter.

Ttiyak nang mangangamoy  ang Metro Manila kung sakaling maisabatas  ang panukalang ito  ni MMDA Chairman Tolentino, bukod pa sa dagdag pasanin naman ng mga ginang
ang por kilong itatapon nilang basura.

Wala na ba talagang gagawing maganda itong si MMDA ChairmanTolentino sa mga taga-Metro Manila? Sa halip na pagtuunan ang  matinding trapik sa kalakhang Maynila at iba pang problema ay ang  pagbabayad ng basurang itinatapon ang inaatupag.

Dahil ba sa nasa basura ang ginto at wala sa trapik?

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para  sa inyong mga reklamo, suggestions at komento,  mag text lang po sa 0915683000 at  09087230036  o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply