Mangingisda patay, bata nabulag sa sumabog na dinamita

NASAWI ang isang mangingisda at nabulag naman ang kasama nitong menor-de-edad makaraang sumabog ang ginamit nilang dinamita sa Isla Pandanon, Getafe, Bohol kagabi.

Ayon sa report sa radyo, nahati ang katawan ni Loloy Pacansa, mangingisa, nang aksidenteng sumabog ang hawak nitong dinamita pasado alas-7:00 kagabi, Nobyembre 14.

Nagulat ang mga residente sa nasabing lugar nang makarinig ng malakas na pagsabog ilang minuto bago makaalis ang biktima nang magpaalam na papalaot upang mangisda.

Matapos makarinig ng pagsabog ay lumutang sa dagat ang katawan ni Pacansa habang nabulag ang batang kasama nito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa naturang pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply