Manufacturing hub for branded and quality bikes

MAGANDa ang panukala ni Toto Ylagan ng House of Representatives na para mas kumpleto ang pagiging Bike Capital ng Marikina, mas mainam na maging sentro na rin ito ng fabrication at manufacturing ng mga bike para kumita naman ang mga residente at negosyante dito imbes na panay imported ang binibili nating mga bike tulad ng Giant, Merida, atbp.

Sa ngayon, patuloy ang Marikina sa pagkakaroon ng maraming tindahan ng bike.

Makikita mo na lang sa Calumpang na hanggang ngayon, marami pa rin ang bilihan ng bike doon, ‘di ba?

Para sa mga imported bike brand, nangunguna ang John Wilke — yung ama sa San Roque at ang anak naman ang sa Concepcion, parehong sa J.P. Rizal.

Dati raw, sabi ng head ng isa sa mga bike group sa Marikina, sa Calumpang daw nagpupuntahan ang mga tao para bumili ng bikes.

Ngayon, sa Quiapo na.

Tutal, ang Marikina lang ang may integrated bikeways network in place … ang challenge sa city hall at sa mga negosyante ay magkaisa para maging sentro tayo ng mga gawaan ng matitibay, magagaan at magagarang branded bikes!

Original brands sana, pero pwede ring maging subcontractor ng mga imported brand.

Isipin n’yong maigi — lalo na kayong mga negosyante na may pera at mga factory na naghahanap lang ng magandang negosyo na pasukan — andito na lahat sa atin sa Marikina:

1. Ang merkado o potential buyers ng mga bike;
2. Ang distribution network tulad ng Wilke, atbp.;
3. Ang location na kilalang biking hub dahil sa lapit nito sa mga paborito ng bikers na Timberland sa Hilaga at iba pang Rizal towns sa Silangan; at
4. Ang 60 kms. na integrated bikelanes.

Marami ring available na lugar para sa factories.

Baka puwedeng pag-isipan ng mga Buenviaje at Vizmonte na gawing bike factory row ang kanilang mga lupa rito sa Sto. Nino.

Ang daming hangar type buildings dito sa tabi ng Agora at sa Fortune at Parang.

Marami rin tayong mga opisyal na mahilig magbike tulad nina Rep. Miro Quimbo, Vice Mayor Fabian Cadiz, sina Konsehal Erning Flores, Mark Del Rosario, Xyza Diazen, Kap. Odie Francisco, dating city administrator na si Vic Tambuli Sabiniano, MSP administrator Totoy Llabres, CTMDO chief Rommel Felipe, atbp.

Kumpleto na ang rekado! ‘Di po ba?

Kung naniniwala kayo na magandang panukala ito — simulan na natin ang pagtatayo ng mga pagawaan ng branded bikes!

Tiyak na matutuwa si Mayor Del de Guzman.

Tara na … Make it Marikina!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply