Manyak nagparaos sa harap ng bebot, kalaboso

KALABOSO ang isang lalaki makaraang hindi mapigilang magparaos sa harap ng isang dalaga sa Barangay Aguinaldo, Lapaz, Iloilo City.

Ayon sa reklamo ng dalaga na itinago sa pangalang Mercy, naglalaba siya nang makita ang lalaki na tinawag sa pangalan na alyas Boy Ungi, 36-anyos na nagmamasid sa kanya.

Habang nakatingin sa kanya, hinawakan umano nito ang kanyang ari at nag-masturbate.

Kaagad namang pumasok sa kanilang bahay ang dalaga at ipinaalam ang insidente sa magulang kaya inireklamo sa pulis ang lalaki.

Ayon kay SPO2 Jessie Cabial ng Lapaz Police Station, marami na ring reklamo laban sa nasabing lalaki dahil sa pag-masturbate nito sa harap ng mga natitipuhan niyang babae.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply