Marcos Highway bike lanes

marcos-hiway-bike-lanes

NAGPASALAMAT si Marikina Mayor Del De Guzman kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino matapos na mapili nitong lagyan ng bicycle lanes o bike lanes ang kahabaan ng Marcos Highway, isang hakbang upang higit na maisulong ang ligtas na pamimisikleta sa Marikina.

May habang 3.92 kilometro, ang bike lanes ay inilunsad ngayong araw, ika-27 ng Nobyembre. Ito ay matatagpuan mula sa tapat ng SM City Marikina hanggang sa tapat ng McDonalds sa kahabaan ng Marcos Highway.

Ang paglalagay ng bikelanes na ito ay naglalayong hikayatin ang publiko na isulong ang pamimisikleta bilang isang eco-friendly mode of transport.

“Ang pagkakaroon ng bike lanes sa mga abalang kalsada tulad ng Marcos Highway ay malaking tulong upang maiiwas ang mga mamamayan nating namimisikleta sa aksidente sa pamamagitan ng paggamit ng mga bike lanes na nakalaan para sa mga ito,” wika ni Mayor De Guzman.

Sa kasalukuyan, ang Marikina ay mayroong 66 kilometrong interconnected na bike lanes na hindi lamang nagtuturo ng disiplina sa kalsada kung hindi nagsusulong din ng malusog na paraan ng pamumuhay.

Ang MMDA ay nagpaplano ring dugtungan ang bike lanes mula sa Brgy Barangka sa Marikina hanggang sa Katipunan sa Quezon City.

“Maliban sa paglalakad, ang pamimisikleta ang isa sa mga pinakamalusog na uri ng transportasyon. Tinutulungan nitong maging malusog ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo at nakatutulong ding bawasan ang polusyon sa hangin,” dagdag pa ni De Guzman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply