Marikina City Blood Coordinating Council binuo

UPANG higit na makatulong sa iba pang nangangailangan ng dugo, ang lokal na pamahalaan ng Marikina ay nagpasa kamakailan ng ordinansang bubuo sa Marikina City Blood Coordinating Council (MCBC).

Layunin ng hakbang na ito na madagdagan ang supply ng dugo sa Blood Bank ng lungsod; matiyak na lahat ng residente ng Marikina ay may pagkakataong makakuha ng dugo sa pamamagitan ng aktibo at agresibong pagsusulong  ng boluntaryong pagbibigay ng dugo at kahalintulad na aktibidad.

Alinsunod sa ipinasang Ordinansa Bilang 61, Serye ng 2012, itinatatag ang Marikina City Blood Coordinating Council ng lungsod. Ang konsehong ito ay magiging bahagi ng blood service network ng Marikina Blood Station na ang ilan sa mga tungkulin ay ang mga sumusunod: pagbabalangkas ng Local Blood Donation Program na tutugon sa pangangailangan ng pagsasalin ng dugo sa komunidad; pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang nagbibigay kaalaman sa publiko, adbokasiya at mga aktibidad na makapanghihikayat ng marami pang donors upang mapalawig ang  boluntaryong pagbibigay  ng dugo; pagsasagawa ng aktibidad sa pagkolekta ng dugo sa pakikipagtulungan ng Regional Blood Center at awtorisadong blood collection units; at pagpapalakas pa ng uganayan sa mga lokal na ospital at serbisyong pangkalusugan sa Regional Blood Center.

“Batid natin ang kahalagahan ng dugo sa pagliligtas ng buhay. Marami sa ating mga kababayan ang nagangailangan nito sa panahon na hindi inaasahan. Natutuwa tayo na marami ang nais  magbahagi ng kanilang dugo upang makatulong sa iba,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Sa ngayon, inihahanda na ng City Health Office (CHO) katuwang ang iba pang ahensyang may kinalaman dito ang  pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulation para sa pangangasiwa ng MCBC.

Para sa iba pang  katanungan at impormasyon hinggil sa mga blood letting programs o sa mga nais magbigay ng dugo, maaaring makipag-uganyan sa tanggapan ng Marikina Blood Station sa numero bilang 343-0407 o sa 942-2359.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply