Marikina unang recipient ng libreng text blasts

BASE sa feedback na natatanggap namin, maraming tao ang natutulungan ng Twitter at Facebook accounts ng Marikina PIO.

Sa Twitter, mga 10,000 follower na ang @piomarikina at sa Facebook mahigit 7,000 na ang friends namin (5,000 friends + 2,400 subscribers) sa Marikina PIO.

‘Yung pangalawang account namin sa Facebook ay may mahigit nang 300 friend.

Pero, kahit na gaano karami ang natutulungan namin sa Twitter at Facebook sa pamamagitan ng public services announcements tungkol sa water level ng Marikina River, traffic updates, at iba pang importanteng impormasyon … limitado pa rin.

Bakit kamo? Kasi, yung mga may access sa computer at smartphone na may internet connection lang ang makatatanggap ng aming mga abiso.

Eh, paano naman ‘yung mga wala? Basta na lang ba natin silang pababayaan na malunod sa baha o matrapik sa daan dahil wala silang computer at smartphone, at hindi sila naabisuhan ng Marikina PIO?

Noong araw, malamang ganoon nga ang kahihitnan nila. Pero ngayon, ‘di na sila saling pusa o saling ket dahil meron nang BLASTER!

Mapalad po ang Marikina dahil kami ang napili ng blaster.com.ph na maging pilot area o unang recipient ng biyayang ito. Wala po itong bayad… baka kung ano naman ang iniisip ng malisyoso ang isip diyan.

Sa pamamagitan ng BLASTER, kahit ordinaryong mamamayan — basta’t may cellphone (kahit 3210 pa yan) ay makatatanggap na ng ating mga abiso.

Para siyang Twitter — pero pang cellphone text messages.

Kumbaga, may blaster name ka na siya namang ipa-follow ng mga gustong makatanggap ng mga text blast mo.

Malinaw na po ba?

Huwag po kayong mag-aalala dahil mga importanteng abiso lang ang ite-text namin sa inyo.

So, ano pang hinihintay n’yo?  Mag-register na ng blaster name n’yo para masimulan na natin ito.

Kahit sinong nasa Pilipinas ay puwede rito sa Blaster.

Pati mga OFW sa abroad na may local SIMs, pwede rin.

Ito ang syntax: Just type in: REG;<Blaster Name n’yo without spaces and symbols>;<First Name>;<Last Name>;<Birthday in mm/dd/yyyy format>.

May tatlong hotline numbers ang BLASTER kung saan pwede ninyong i-send depende sa cell provider o network ninyo: 0917-88-25278(Globe), 0925-88-25278 (Sun), and 0939-93-25278 (Smart).

Para mas malinaw, bisitahin ang kanilang website sa blaster.com.ph.

Ngayong registered na kayo, pwede n’yo na kaming i-Follow — i-type nyo lang … FOLLOW;marikinapio at i-send sa anoman sa tatlong hotlines ng Blaster.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply