Marquez, Pacquiao pareho ng pakay

PAREHO ang pakay nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel Marquez.

Ang manalo ng knockout sa laban nilang dalawa sa darating na Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ayon kay Marquez na hindi matanggap ang dalawang talo nito kay Pacquiao, pababagsakin nito umano ang Pambansang Kamao bilang pangako sa mga fans niyang Mexicano.

Nauwi sa tabla ang unang sapakan nina Marquez at Pacquioa sa ibabaw ng lona at sa pangalawa at ikatlong pagkikita nila ay parehong nagwagi ang Pinoy pug.

Kagaya ni boxing superstar Pacquiao, si Marquez ay inspirasyon din ng mga kabataan sa Mexico dahil sa pitong world titles sa apat na dibisyon ang inangkin nito.

Dumalo sa imbitasyon si Marquez sa South Texas-Mexico upang tanggapin ang honorary title bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa sa larangan ng boksing at dito nga nagyabang ang Mexican boxer.

Nauna ng sinabi ni Sarangani Rep. Pacquiao na ina-knockout nito si Marquez upang matigil na ang sinasabi ng huli na siya ang nanalo sa mga laban nila.

Dahil hindi kumbinsido si Marquez na natalo siya kay Pacquiao ay gusto rin ng una na manalo via KO.

Taong 2004 ng unang magharap sina Pacquiao at Marquez kung saan ay tatlong beses bumagsak ang huli sa first round.

Muling bumagsak si Marquez sa ikalawa nilang paghaharap ng matikman nito ang kamao.

Magtatagpo sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa pang apat na pagkakataon sa catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply