Maruming katayan ng manok sa QC ipinasara

(UPDATED) Tuluyan nang ipinasara ng pamahalaang lungsod Quezon ang isang katayan ng manok makaraang mapatunayan na sadyang napakarumi nito at hindi sumusunod sa alituntunin ng ordinansa at batas.

Ito ang kinumpirma kahapon ni City veterinarian Dr. Ana Maria Cabel matapos na hindi pumasa sa sanitation standards ang katayan na matatagpuan sa Ermin Garcia Street sa Cubao.

Napag-alaman din na wala ring business permit ang katayan at ang mga manggagawa aniya dito ay nagtatrabaho ng walang damit pang-itaas.

Ikinatuwiran naman ng mga manggagawa na nakahubad sila dahil mainit anila sa loob ng katayan na isang abandonadong gusali.

Nagrereklamo na rin umano ang mga kapitbahay ng katayan dahil sa masamang amoy na may kahalong amoy pawis at malansang dugo na nagmumula sa katayan.

Kaugnay nito, dahil sa nalalapit na aniya ang Kapaskuhan at pagiging mabili ng mga karne mas pinaigting ng mga health official ang pag-iinspeksiyon ng mga matadero ng karne ng baboy at manok sa Metro Manila.

Samantala, nakatutok na rin ang National Meat Inspection Service, sa mga palengke para mapigilan ang pagtitinda ng mga “botcha” o mga bilasang karne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply