Masakit ang ulo kay Biazon

pakurot

HINDI lang naman ang smuggler ng commodities o products ang masakit ang ulo dahil sa walang humpay na kampanya ng Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Ruffy Biazon kundi maging ang mga lider ng international drug syndicates na nagpupuslit ng epektos sa bansa.

Eh bakit nga ba? Kasi naman malaki ang kontribusyon ni Biazon sa pagkasira ng operasyon ng kanilang grupo sa pagpapalusot ng epektos na malaki ang pinsala sa utak ng mga gumagamit nito.

Hindi sila makalusot sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ni Biazon hindi lang sa mga paliparan sa bansa subalit maging sa mga daungan.

Kahit maliliit na bagahe ay talagang sinusuri na mabuti upang hindi makalusot lalo’t naglalaman ito ng droga tulad na lang ng bottled water.

Simula nang manungkulan si Pangulong Benigno Aquino III, umabot na sa P500 milyon ang halaga ng mga droga na nakumpiska ng pamahalaan na ang ibig sabihin ay libo-libong kabataan at mamamayan ang nailigtas sa panganib na dulot ng bawal na gamot.

Subalit sa panunungkulan ni Biazon sa BoC naitala ang pinakamalaking huli ng droga kung saan hindi lang basta nadoble ang huli subalit umabot pa sa sampung doble kasama pa ang mga taong nasa likod ng pagpupuslit ng droga.

Ilang mag dayuhan na rin naman ang nahuli at sinampahan ng kaso ng BoC kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang patunay na totohanan at hindi pampapogi lang ang ginagawa ni Biazon sa kanyang tanggapan.

Ang walang tulugang pagbabantay ng BOC sa mga paliparan at maging sa mga daungan sa ilalim ni Biazon ay isang malinaw na mensahe sa mga sindikato ng droga na “walang sasantuhin” ang kanyang pamunuan kahit pa ito ay politiko o mataas na tao.

“We will never allow the lives of the Filipino youth to be wasted by illegal drugs.

“This is precisely the reason why I have made it clear to all Customs frontline operatives, especially those assigned to drug smuggling prone areas like the airports, to be doubly alert for any drug smuggling attempt,” ang mariing pahayag ng matikas na komisyuner.

Magsilbing babala ito sa sinomang nagnanais na magtangkang magpalusot ng droga sa bansa.

Tiyak na kulungan ang inyong babagsakan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply