MASARAP NA KASALANAN (Ika-12 na labas)

AGAD niyang binitbit ang tool box na naglalaman ng iba’t ibang gamit sa pagkakarpintero at pumunta sa malaking bahay.

Hindi na siya nagdoorbell dahil wala ring magbubukas ng pinto para sa kaniya dahil nagbakasyon si Aling Bening sa probinsya upang dalawin ang pamilyang nagkasakit.

Hindi na rin pinagtakhan ng binata ang bagay na ito dahil mulat siya sa katotohanang maraming mga taga-probinsya ang nagtrabaho sa Metro Manila dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kapamilya.

Matapos isara ang pinto sa bulwagan ng malaking bahay, tuloy-tuloy na umakyat si Matias sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kuwarto ni Mrs. Manyol.

Mahinang katok ang ginawa niya sa pintong nakasarado upang ipaalam sa among babae ang pagdating.

“Tuloy!” Sagot ni Mrs. Manyol na sadyang nilakasan ang boses upang matiyak na maririnig niya. “Bukas ‘yan!”

Muli, sinunod ni Matias ang sinabi ng among babae, dahan-dahan niyang pinihit ang seradura na agad bumukas kaya tuloy-tuloy siyang nakapasok sa loob ng kuwarto.

Saglit na natigagal at hindi nakakilos ang binata nang makitang naka-negligee si Mrs. Manyol.

Dahil manipis, bakat na bakat ang hubog at anyo ng katawan nitong sa kabila ng pagkakaroon ng edad, katakam-takam at kaakit-akit pa rin sa lalaki higit sa tulad niyang sabik sa karanasan sa mundo ng kahalayan at kalibugan.

At dahil maiksi rin ang   negligee, kitang-kita rin ni Matias ang maputi, makinis at hugis kandilang legs ng among babaeng nagdagdag sa kakaibang init na agad lumukob sa buong katawan ng binata. Matagal na napatitig ang hardinero sa among babae na tiyak niyang titighaw ang kabuuan bilang Eba na umaalipin sa kaniyang kakaibang uhaw at  gutom! ITUTULOY

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply