MASARAP NA KASALANAN (Ika-14 labas)

“PUWEDE mong gawin ang malisyang naglalaro sa iyong isipan sa aking katawan, Matias.

Ngunit may isang kondisyon?” Mapanuksong wika ni Mrs. Manyol.

“Simpleng-simple lamang ang kondisyon, kayang-kaya mong sundin at tuparin!”

“Ano ho ang kondisyon?” Interesado at seryosong tanong ni Matias na nananatiling nakatitig ng may malisya sa among babae na nakatutukso ang kasuotan pati na titig at kilos.

“Sa ating dalawa lamang ang mamamagitan sa atin. Hindi dapat malaman ng kahit sino dahil isa itong malaking iskandalo kahit isang MASARAP NA KASALANAN!”

Matalinhagang wika ni Mrs. Manyol.

“Alam mo na ang ibig kong sabihin!”

“Malinaw ko hong nauunawaan, kaya huwag kayong mag-alala, walang makakaalam ng mamamagitan sa atin. Tayong dalawa lamang, wala ng iba!” Paniniyak ni Matias sa among babae na yumakap sa kaniya ng mahigpit.

“May ideya ka ba kung bakit ginagawa ko ang MA-SARAP NA KASALANAN na ito?”

“W-wala ho. . .” Sagot ni Matias na damang-dama sa sarili ang pagiging alipin ng makamundong pagnanasa sa among babaeng damang-dama niya ang kalambutan at kakaibang init ng katawan.

“Tiyak ko nagsisinungaling ka. Hindi ka naman isang taong walang pakiramdam at bulag sa nakikita sa loob ng aming bakuran?” Tanong ni Mrs. Manyol na may pilit inaalam sa binatang balak makarelasyon sa ngalan ng kamunduhan.

“B-baka ho magalit kayo kapag sinabi ko. . .” Sagot ni Matias.

“At isa pa baka mali ang kutob ko. Ang naglalaro sa aking isipan at imahinasyon!”

“Sige sabihin mo, hindi ako magagalit kahit mali ang iyong sasabihin!” Prang-kang wika ni Mrs. Manyol na nananatiling nakayakap ng mahigpit sa binatang hardinero. Itutuloy

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply