Mataas na bilang ng mga batang sangkot sa krimen, nakababahala

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa tumataas na bilang ng mga kabataan o menor de edad na nasasangkot sa mga krimen.

Reaksiyon ito ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY), sa ulat ng Philippine National Police (PNP) na umaabot sa 290-percent o katumbas ng 5,818 na kabataan ang nasangkot sa krimen ngayong taon kumpara sa 1,825 lamang na mga kabataan na nasangkot sa krimen noong 2007.

Naniniwala naman si Garganta na ang kahirapan at paglaganap ng illegal na droga ang pangunahing dahilan ng pagkakasangkot ng maraming kabataan sa iba’t-ibang krimen.

Binigyang-diin pa ni Garganta na hindi lamang ang pamahalaan ang may responsibilidad na gumawa ng paraan upang mailigtas ang mga kabataan mula sa karahasan at mailayo sa krimen kundi lahat ng sektor ng lipunan, partikular na ang pamilya.

“Very alarming po yung figure na inilabas ng PNP and at the same time very challenging and inviting ito especially to all the sector in community. Government, church, family and all other sectors involved in the formation of our young people,” ayon kay Garganta, sa panayam sa radyo.

“Kailangan talaga dito na magtrabaho ang community ng maayos para tugunan ang problemang ito. Naniniwala ako na ang unang factor nito ay kahirapan at droga. Karaniwan pa rin idinadahilan ang katayuan ng poverty sa bansa at pangalawa dito ang tensyon na nakikita nila sa lipunan,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply