Matagumpay na negosyante sa Hawaii, ipinagpaliban ang pagtakbo sa Kongreso

ISANG matagumpay na negosyante sa Hawaii, United States ang nagdesisyon na ipagpaliban muna ang intensyon na tumakbo sa Kongreso bilang kinatawan ng nag-iisang distrito sa lalawigan ng Abra.

Sa halip, sinabi ni Carmelita E. Omli-Tagorda, tubong Lagangilang, Abra, na itutuon muna niya ang atensyon sa mga gawain ng kanyang kinaaanibang non-government organizations (NGO) para sa ikauunlad ng lalawigan.

Noong 2011, itinatag ni Omli-Tagorda ang “Save Lives and Save Dignity”-, isang “humanitarian organization” na nakatutok sa pagliligtas ng buhay sa mga lugar sa Abra na pinamumugaran ng karahasan.  Layunin nito na maisulong ang kultura ng kapayapaan at pag-unlad sa lalawigan.

Si Omli-Tagorda ay president ng Omli Solutions LLC, isang consultancy at mediation company na nakabase sa Maui, Hawaii.  Nabigyan rin siya ng nominasyon bilang “Hawaii Businesswoman of the Year” noong taong 2005 ng Pacific Business News Magazine.

Kilala rin na buhat siya sa politikong angkan kung saan nagsilbing alkalde ng bayan ng Lagangilang ang ama niyang si Eusebio Omil, ang kanyang kapatid na si Johnny at maging ang lolong si Don Cagaid Omil.

Sa kabila naman ng desisyon ni Omli-Tagorda, hindi pa rin maiwasan ang pagkagulat ng mga lokal at political lider sa Abra ang pag-atras nito ng kanyang kandidatura dahil sa itinuturing umano ang negosyante na pinakamalakas na “challenger” sa kasalukuyang kapangyarihan sa Abra at bagong pag-asa para matapos na ang karahasang political sa lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply