Matalak na mister, dila pinutol

NEW DELHI – Bilang pagpapakita ng pagsisisi, pinutol ng isang matalak na lalaki sa India ang kanyang sariling dila matapos itong hiwalayan ng kanyang misis.

Sinabi ni Bunty Verma, isang TV repairman, na madalas nitong napagsasalitaan ng hindi maganda ang kanyang misis kaya marahil ay inibandona siya nito.

Ang mas masakit pa, aniya, ay isinama pa ng kanyang may bahay ang kanilang mga anak.

Dahil dito, pinutol niya ang kanyang dila at hangad na bumalik na ang kanyang misis at mga anak sa kanilang bahay.

Sinulatan na nito ang kanyang misis upang sabihin na wala na ang kanyang dila at hindi na ito makakapagbitiw pa ng masasamang salita.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung nakarating na o nabasa na ng misis ni Verma ang kanyang pagsusumamong sulat.

Sa ngayon, nagpapagamot sa ospital ang nasabing mister na hindi na rin naisalba pang ikabit ang kanyang naputol na dila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply