Matandang dalaga nalitson nang buhay

NALITSON nang buhay ang isang matandang dalaga matapos masunog ang tinitirhang barong-barong nito sa Sitio Matarik, Barangay 175 Caloocan City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Inocencia Opledo, 95-anyos, walang asawa, ng Sitio Matarik ng nasabing lungsod.

Ayon kay SFO4 Randy Resoreccion, hepe ng Arson Division ng Caloocan fire department, alas-7:00 ng gabi ay kararating lamang ng biktima sa kanyang bahay mula sa panglilimos at habang nagbibilang ng barya ay aksidenteng natumba at nahulog ang gaserang de gas na siyang pinagsimulan ng sunog.

Napag-alaman na walang kasama ang matanda sa barong barong nang magkasunog.

Nadiskubre ng mga nagrespondeng bumbero ang sunog na bangkay ng biktima habang nakasandal sa dingding na katabi pa ang mga barya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply