Matandang dalaga natagpuang patay

HINDI nakayanang lamig sa gabi ang hinihinalang ikinamatay ng 42-anyos na natagpuang nakabulagta sa center island sa harapan ng Post Office Building sa Ermita, Manila, kagabi.

Nakilala ang biktimang si Carol Rilecher, walang hanapbuhay at umano’y taga-San Pedro, Laguna at walang tiyak na tirahan sa lungsod.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Glenzor Vallejo kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong alas-7:00 ng gabi nang madiskubreng patay na nakahalukipkip ang biktima sa center island ng nasabing lugar.

Ayon sa pahayag ng isang Ariel Corales, 45; may asawa, porter, ng Brgy. 659 Zone 71 sa Lawton, Ermita, umiinom siya ng kape nang lapitan siya ng isang Teddy Andaya para iparating na patay na ang biktima.

Agad nitong pinuntahan ang sinasabing patay, na nagawa pa nitong gisingin na inakalang natutulog lang pero hindi na ito sumasagot kaya ipinagbigay-alam na lang niya sa kalapit na Plaza Lawton Police Community Precinct at isang PO3 Christopher Javonillos ang nag-ulat sa tanggapan ng pulisya.

Wala namang nakitang palatandaan na sinaktan si Rilecher, maliban sa umaagos na dugo sa bibig nito na tanda na may sakit sa baga ang nasabing babae.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply