Matapos katayin, kelot pinutulan pa ng ari

crime9

KARUMAL-DUMAL ang pagkakapatay sa isang construction worker nang katayin na parang baboy at putulin pa ang ari nito saka isinubo sa kanyang bibig ng kanyang kaaway sa Muslim compound kaninang umaga sa Pasay City.

Sa punerarya na lamang natuklasan ng pulisya na isinubo pa ng suspek na si Danilo Malusay, 31,  ng Lumba Ranao, Muslim Compound sa Roxas Boulevard ang pinutol na ari sa bibig ng biktimang si Ryan Magbanua, nasa pagitan ng edad  26-30 at nanunuluyan lamang sa Grand Mosque na nasa loob ng naturang compound.

Nabatid kay SPO3 Allan Valdez, imbestigador ng Pasay police Investigation Section, posibleng matindi ang galit ng suspek dahil matapos pagsasaksakin  at laslasin ang tiyan ng biktima hanggang puson, pinutol pa ang ari nito at isinubong pilit sa bibig ng bangkay.

Matatandaan na nadakip si Malusay matapos matuklasan ang bangkay dakong alas-6:30 ng umaga sa loob ng comfort room ng Lumba Ranao, Muslim Compound ng barangay tanod na si Saipodeng Tago, nakakilala sa biktima.

Dahil batid ng mga residente sa naturang lugar na si Malusay lamang ang matinding kaaway ng biktima, kaagad nilang pinuntahan sa bahay ang suspek na nag-iimpake na ng kanyang mga gamit.

Hindi naman mabatid ng pulisya kung ano ang pinag-ugatan ng alitan ng dalawa at kung bakit ipinasiya pa ng suspek na putulin ang ari ng biktima matapos itong katayin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply