4 matataas na uri ng armas nakumpiska sa Sultan Kudarat

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Apat na high powered firearm ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Barangay Pembalayan, Lambayong, ng lalawigan.

Kabilang sa mga kinumpiska ay M16 baby armalite rifle, Kb9 pistol, Oz machine gun, kalibre .45 at assorted rounds ng magazine at ammunitions.

Sa panayam ng Remate kay Sultan Kudarat provincial director, Police S/Supt. Rolen dela Cruz Balquin, nakumpiska ang mga nabanggit na armas sa bahay ng mga suspek na sina Samson Kautin at Goliath Mamaluba.

Napag-alaman na walang lisensya ang mga naturang matataas na uri ng armas kaya kinumpiska.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply