Matutong tumanggap ng pagkatalo – Brillantes

ANG malaking halaga ng salapi na ginugugol sa kampanya ng mga kandidato sa Pilipinas ang dahilan kung bakit hindi kaagad matanggap ng mga ito ang kanilang pagkatalo sa eleksiyon.

Ito ang inamin ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. kahapon kasunod nang kaagad na pagko-concede si Mitt Romney nang talunin sa halalan ni US President Barack Obama.

Ayon kay Brillantes, nanghihinayang ang mga kandidato sa laki ng pera na ginugol nila sa pangangampanya kung kaya’t hindi sila kaagad na makapag-concede tulad ng mga kandidato sa US.

Inamin rin naman ni Brillantes na ang pakay ng mga kandidato ay mabawi ang kanilang ginastos sa eleksiyon sa sandaling makapuwesto na sila sa gobyerno.

Minsan nga, aniya, ay tatlong taon na ang nakalilipas matapos ang eleksiyon ay nag-aaway-away pa ang mga kandidato.

“Sana matuto rin tayo rito ng konti rito na marunong din tayo mag-concede. Yun ang dapat natin mapag-aralan sa mga advanced countries like the US,” ani Brillantes. “Dito hirap na hirap tayo magpa-concede eh. Tatlong taon na after the election nag-aaway pa tayo.”

Ang naturang problema aniya ang nais na masolusyunan ng Comelec kaya’t nagpadala ng mga observer sa eleksiyon sa US.

Iginiit rin ni Brillantes na dapat na makapagpatupad ng campaign finance system sa Pilipinas upang maiwasan ang malaking gastos sa halalan tulad sa Amerika at matutunan ng mga pulitiko sa Pilipinas ang ‘political maturity.’

“Dito pag eleksyon, it’s more fun in the Philippines. It’s the maturity. Maybe we should take some more time before we reach that maturity stage in election processes…tingin ko matatagalan pa tayo,” aniya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply