Maulap na papawirin mararanasan sa ilang bahagi ng bansa

ASAHAN na ang maulap na papawirin na may manaka-nakang pag-ulan sa Caraga, Davao at South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City (Socsargen) Regions.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA), ito ay bunsod pa rin ng Intertropical
Convergence Zone (ICZ) na nakaaapekto sa Mindanao.

Makararanas naman ng bahagyang maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan lalo sa hapon o gabi ang nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Samantala makararanas ng mga pag-ulan ang bansa pagpasok ng isang
Tropical Storm (TS) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo o Lunes.

Kasalukuyang nananalasa ang TS sa Marshall Islands sa silangan ng bansa.

Posible pa anya itong mag-ipon ng lakas at maging ganap na typhoon
pagpasok ng PAR sa bahagi ng Visayas o Mindanao.

Sa ngayon, mabagal pa ang pagkilos ng bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply