Max Colins proud na mapiling leading lady nina Dingdong Dantes, Neil Ryan Sese

max-collins

NASA cloud nine si Max Colins nang mapiling nag-iisang leading lady nina Dingdong Dantes at Neil Ryan Sese sa bagong soap na “Pahiram ng Sandali” sa GMA7 primetime.

Dati’y inilaan ang role na ito kay Kylie Padilla pero nag-back out ito dahil sa hindi pa raw siya handa sa ganitong role na adult relationship na may totohanang kissing scenes. Si Max, on the other hand, ay proud at game na game dahil first time siyang nabigyan ng ganitong kalaking role ng GMA 7.

Baguhan pa lang siya sa network pero malalaking chance ang ibinigay sa kanya ng production people.

Okay lang kay Max ang makipag-kissing dahil 20 years old na siya. Sa ganitong age ay puwede nang makipagseryoso ang isang babae.

Bago naman siya nag-taping ay dumaan naman siya ng workshop under Direk Maryo J. delos Reyes na siya ring director ng soap opera.

Aba! Ang haba ng hair ni Max dahil dalawang magagaling at macho actors na tulad nina Dingdong at Neil Ryan ang makikipag-agawan sa kanyang puso.

Half brother sina Dingdong at Neil Ryan pero sa simula ay hindi sila magkakilala.

Kasama rin sa soap opera sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Mark Gil, at marami pang iba.

Pawang mga veteran stars ang kasama ng mga bida dahil katwiran ng director nitong si Maryo J, ayaw niyang sumakit ang ulo sa pagdidirek dahil napaka-sensitive ang istorya ng Pahiram ng Sandali na may kaugnayan sa pamilya at relationship ng dalawang nagmamahalan.

000

KAMUKHA ni Max Colins ang first love niya sa UP. Ipinagtapat sa amin ni Neil Ryan Sese na nung una niyang nakita sa set ng Pahiram ng Sandali si Max Colins ay na-mesmerize na siya at humanga nang todo sa dalaga.

Kasi ba naman ay kamukhang-kamukha siya ng kanyang unang true love sa UP Diliman. Humanga siya nang husto sa babae kasi noong high school siya ay di naman siya nakipagseryosohan sa mga babae. Pero noong second year college na siya, rito na siya nakaramdam ng tunay na pag-ibig.

Sinabi pa ni Neil Ryan, si Max ang pinakabata niyang leading lady. Yung iba kasi niyang naging leading lady ay nasa mid twenties na.

‘Di pa rin niya malaman kung ano gagawin niya kung magkaroon na sila ni Max ng kissing scenes. Parang mahihiya raw siguro siya sa una kasi nga’y bata ito sa kanya at kamukha pa ng true love niya.

000

TALAGANG totohanan ang mga halikan sa bagong soap ni Direk Maryo J. delos  Reyes, ang Pahiram ng Sandali. Ayaw niya ng pekeng halikan dahil gusto niyang ilarawan sa kanyang soap ang makatotohanang pag-arte at realidad ng buhay.

Kapag may kissing scenes ang mga eksena ni Direk Maryo J, kailangang lahat ay makatotohanang ginawa iyon ng kanyang mga artista. Pati ang manonood ay talagang napi-feel ang eksena. ‘Di rin lang ito sa halikan, pati na sa emosyon na dapat ipakita ng artista sa mga eksenang kailangan ang madamdaming tagpo. Punung-puno ng drama ang istorya ng Pahiram ng Sandali. Tinatakay nito ang domestic problem ng pamilya, pati na rin ang problema ng extended family. Ganyan katindi ang mga eksena ng Pahiram ng Sandali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply