‘Maximum tolerance’ iniutos ng LRT, MRT mngt

MAHIGPIT na ipinatutupad ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Light Rail Transit (MRT) management sa kanilang mga tauhan partikular na ang kanilang security guards na maging mapagpasensiya at laging pairalin ang “maximum tolerance” sa mga  mananakay sa kanilang tren.

Ayon sa tagapagsalita ng LRT-MRT na si Hernando Cabrera, mahigpit na ipinapatupad ang naturang tagubilin lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan kung saan ay may posibilidad na maging maikli ang pasensya ng mga mananakay dahil sa stress sa pagsho–shopping at iba pang pinagkakaabalahan.

Tinutukan ng pamunuan ng LRT at MRT ang kanilang mga guwardiya kung saan ay pinayuhan silang maging kalmado sa lahat ng oras laban sa ilang makasasagupang pasaway na pasahero.

Aniya, ito ay upang maiwasan ang katulad ng naganap na eskandalong kinasangkutan ng isang lady guard ng LRT Line 2 at ng estudyanteng si Paula Jaime Salvosa na kumalat pa ang video sa internet kung saan ay nauso ang salitang “Amalayer”.

Sinabihan din ni Cabrera ang mga mananakay na makisama sa mga security personnel at kusa nang ipa-check ang kanilang mga gamit.

Maging ang mga regalo aniya ay susuriin kaya mas mabuti aniyang huwag munang ibalot ito upang hindi maabala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply