May attitude ang magaling na actress/teevee host!

3 bi

HINDI naman imposible kung mabalitaan ngayon na abala si Willie Revilame sa pagbili ng isla.

Ito kasi ang naibunyag ni Robin Padilla nang tsikahin ng press kung kailan matutuloy ang pagsasama nila sa isang pelikula.

Paraho pa raw silang busy kaya hindi masimulan ang proyekto nila.

So, habang pinanonood si Binoe sa ‘Toda Max’ ng ABS-CBN 2, si Willie naman ay sa ‘Wil Time Big Time’ mula Lunes hanggang Sabado kung saan ay co-host niya ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez. Kasama rin sa show sina Grace Lee, Camille Villar at Lovely Abella.

-0o0-

NAPA-IILING na lang kami pag nababalitaan naming buntis si Katherine Luna.

Kung kailan nakakabalik na siya, nauudlot na naman dahil laging in-love at nabubuntis.

Heto na siya ngayon at nag-iingay dahil nanganak na. Kailangan na niyang bumalik sa showbiz.

Kung mabigyan siya ulit ng chance, sana naman alagaan na niya. Mag-ipon na siya para sa mga anak niya.

Hindi ‘yung nababalitaan naming kahit pang-taxi ay wala na siya at nangungutang.

Buti naman at nasusuportahan raw siya ngayon ng ama ng bagong baby niya.

“Nasususportahan naman po niya yung mga pangangailanagn namin kahit papaano. Hindi naman siguro, hindi naman dumating sa point na nagutom kami ganun, kahit papaano binubuhay niya kami.”

Hanggang ngayon isyu pa rin ang hindi pagkilala ni Coco Martin sa anak nila at akuin ang responsibilidad sa bata. Pero once na tumulong si Coco para sa anak niya, hindi tatanggihan ‘yun ni Catherine.

“Hindi ko ipagdaramot yun, hindi ko ipagdaramot sa kanya na makilala niya in person yung tunay niyang ama kasi hindi ko po ipinagdamot sa kanya, sa TV pag nakikita niya, ‘Daddy ko yan!’

“Alam niya, proud siya. Hindi ko naman siya sinisiraan, hindi ko sinisiraan si Coco sa anak ko.”

“Sabi ko nga sa kanya, yung responsibilidad niya kung gusto niyang anuhin sa bata, pwede naman pero sana wala ng media, wala ng ano, di ba?

“Gusto ko kusang-loob siya, may kusa siya, di ba? Kung may kusa siya, sige hindi ko naman ipinagdadamot sa kanya, ‘Hindi ko ipagdadamot sa iyo. Gusto ko ring makilala niya ikaw.’”

-0o0-

MAY attitude rin pala ang isang magaling na aktres–TV host pag nilapitan ng mga fans para magpa-picture.

Saksi ang isang movie press sa nag-iisang dialogue ng actress. ‘Pakibilisan kasi next na ako,’ ang sinasabi sa mga nagpapakuha sa kanya kahit matagal pa siyang isasalang sa isang award giving bodies na dunaluhan niya.

Tuwing lalapitan siya ng fans ay laging ganon ang sinasabi niya.

Binansagan tuloy siyang Ms. Nagmamadali.

Talbog. Ayaw tuloy ng mga Ina, Kapatid, Anak ng ganyang asal, ha?

-0o0-

IPINAGDARASAL ni Ai Ai delas Alas na sana raw ay si Jed Salang na ang maging huling lalaki sa buhay niya.

“Sinasabi ko sa kanya na ikaw na ang huling lalaking mamahalin ko habang ako’y nabubuhay,” aniya.

Ipinatanggol rin ni Ai Ai dahil iniintriga pa rin ang relasyon nila sa layo ng agwat at mas mayaman ang Comedy Concert Queen.

“Minsan sinasabi ko at tinatanong sa sarili ko, ‘Bakit hindi ba ako pwedeng mahalin ng isang disenteng bata?’ Hindi ba, pwede naman? Mukha lang akong walang pinag-aralan pero college gradute ako. Sabi ko ‘cute naman ako, maputi naman ako, maganda naman ako, pwede naman, hindi ba?’ So yun sinasabi ko na lang sa sarili ko,” deklara ni Ai Ai.

“Hindi lahat parating puro pera. Hindi lahat ito yung habol ng isang tao. Pwedeng mangyari na ang dalawang tao ay nagmamahalan ng hindi lang dahil sa ganoon,” dagdag pa niya.

Parehong silang walang sabit kaya wala silang tinatapakang tao. Naniniwala si Ai Ai na destiny niya si Jed.

‘Yun na!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply