May bagong pantapat na kay Sarah Geronimo!

morissette-amon

PANGARAP kaya ng TV5 na magkaroon rin ng isang Sarah Geronimo na magaling na ngang kumanta at sumayaw, maganda pa at magaling ring umarte?

Well, may Sarah Geronimo na sila at sana ay asikasuhin nila ito nang husto para sumikat at maitapat talaga nila kay Sarah.

Ito’y walang iba kundi si Morissette Amon na siyang pangunahing bituin ngayon sa latest teen musical production ng Repertory Philippines, ang Camp Rock. Ang guwapitong tisoy at multi-talented rin na si Markki Stroemm ang leading man n’ya. Taga-ABS-CBN si Markki pero ang Stages nina Audie Gemorra at Carlo Orosa ang nagma-manage sa kanya.

Isa si Morissete sa mga nagwagi nung 2010 sa Star Factor contest ng TV5. Fourteen years old pa lang siya noon. May kontrata siya sa TV5 pero pag natapos na ang kontrata niya sa nasabing network at di naman nila ito napasikat nang husto, puwede siyang lumipat sa Kapamilya Network para isabay kay Sarah na di naman “property” ng network kundi ng mga Del Rosario ng Viva (gaya rin nina Anne Curtis at Christine Reyes). At pwede nga siyang i-love team kay Markki na dapat ay mapasikat rin nang husto ng Kapamilya Network dahil mukhang pang-comedy o pang-novelty show ang mga lalaking nagwawagi sa mga singing contest nila.

Kahit na tisoy na German si Markki, wala siyang ere ng kayabangan.

Baka nga mas talented pa siya kay Xian Lim na pinagbubulung-bulungan ng mga silahista na kapwa raw nila bularet.

Actually, matagal nang nagsusumikap ang Kapamilya Network ng sarili nilang Sarah Geronimo at akala noon ay natagpuan na nila ito kay Yeng Constantino na wala namang hilig sa pag-arte, at ang kumanta-kanta lang ang gusto.

Nang pinagwagi ng ABS- CBN si Angeline Quinto sa singing contest nila, tiyak na inisip nilang madi-develop nila ito para maging sarili nilang Sarah Geronimo lalo pa’t pumayag agad ito na makitambal kay Coco Martin sa pelilula. Pero kahit sinakyan ng Coco ang love team-kuno nila sa pamamagitan ng pamimigay ng kuwintas at kung anu-ano pang regalo kay Angeline, hindi sila sinakyan ng madla. Eh kasi naman, mukhang tiyahin ni Coco si Angeline!

Napakasuwerteng tao ni Coco na kahit magti-30 years old na yata siya ay mukha pa rin siyang 17. So ang dapat i-partner sa kanya ay yung kasing baby-faced n’ya at hindi yung mukhang tiyahin na n’ya!

At alam n’yo bang may mga kaibigan kaming ang tingin kay Angeline ay di lang mukhang tiyahin kundi kulang din sa pagkababae? In short, mukha rin daw lesbian si Angeline na gaya ni Yeng Constantino.

Happily, mukhang babaeng-babae at may hinhin at kilos na babae si Morissette. Morena siya kaya bagay siya sa tisoy na si Markki. At sa Camp Rock na isang musical nga, sing, dance, and act nga silang dalawa. Kung nakaka-acting si Morissete sa entablado, eh di lalo pa sa pelikula at telebisyon.

Ang Camp Rock ay parang High School Musical. Palabas ito sa Onstage Theater sa Greenbelt 1 sa Makati tuwing weekend hanggang sa December 16 (tuwing weekdays ay ang Wizard of Oz pa rin ng Repertory Philippines ang palabas ru’n). Actually, halos lahat ng kabataang talents sa Camp Rock ay magagaling rin. Halimbawa’y ang gumanap na kontrabidang lalaking si Nel Gomez, ang kontrabidang babaeng si Cheska Ortega, at ang 13-year-old daughter ni Jet Pangan.

Lahat ng kabataang nangangarap na maging musical star ay dapat panoorin ang Camp Rock sa direksyon ni Audie Gemorra para malaman nila kung gaano kalaking talent at gaanong katinding energy at presence ang kailangan nilang ma-develop para maging musical star na gaya nina Morissette, Markki, Nel, at Cheska.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply