May bagong papa na naman si Rufa Mae Quinto!

rufa-mae-quinto

NATAWA si Ruffa Mae Quinto nang mausisa namin kung totoo nga ba na nagkabalikan raw sila ni Boy 2 Quizon.  Kapapanalo lang kasi niya bilang best comedy actress ka-tie sa Pokwang sa katatapos na 26th PMPC Star Awards For Television pero tungkol sa intriga ang unang tanong sa kanya.

“E… balita pa lang ‘yon,” aniya. “Wala namang gano’n, e. Friends nga, di ba? Magkatrabaho at friends. Gano’n lang.”

Hindi talaga sila nagkaayos ulit?

“Hindi. I’m happy ngayon being single. Oo.”

Mag-business partner sila ngayon ni Boy 2 para sa production outfit nito ng huli na Brown Sugar Productions. Unang project nila ‘yong Frankista na ipinalabas kamakailan sa SNBO (Sunday Night Box Office) ng GMA 7.

“Producer naman talaga ako dati pa. So I’m willing to be a producer here and there… everywhere!” biro na naman niya.

Mas okey si Boy 2 na business partner na lang niya kesa maging boyfriend?

“Oo! At… friend.”

Nali-link siya ngayon kay Aaron Villena na co-star niya sa “Enchanted Garden”, ang fantasy series ng TV5 at very vocal ang aktor sa pagsasabing talagang type siya at gusto raw nga siyang ligawan nito.

A… talaga? Hindi pa ba? Charinggg!” napabungisngis na sabi ni Rufa Mae.

“Hindi ko alam! Hahaha! Hindi ko na alam ang game plan at eksena ng mga ganyan-ganyang ligawan.

“Wala. Hindi ko kasi alam kung nanliligaw o gusto ako. Hindi naman kasi sinasabi, actually.”

Pero puwedeng ma-inlove siya kay Aaron?

“Oo naman! Ang guwapo-guwapo niya at macho. Pero… ayoko munang ma-inlove.”

Hindi itinatanggi ni Rufa Mae na lumalabas sila ni Aaron. “Twice pa lang. Kasi taping kami nang taping kaya wala ring time. Pero kung nanliligaw nga ba siya, hindi ko alam, e. Friends-friends. Hindi naman siguro nanliligaw.

“At saka sa ngayon nga, gusto ko single muna ako. E… busy pa kasi sa career, e.

“Ang daming trabaho, di ba? So work galore muna!” tawa ulit niya.

Talagang out muna sa isip niya ang lovelife? “Basta… tuloy-tuloy lang ako sa pagtatrabaho. Bahala na. Hindi ko pa alam. Pero I’m not closing any of my doors pagdating sa lovelife. Hindi lang ‘yan kasi ang priority ko sa ngayon talaga. Alam mo ‘yon? Uhm… wala pa, e. Ewan ko.”

Business partner sila ngayon ni Boy 2 at magkatrabaho rin sila sa Bubble Gang. Hindi ba mahirap ‘yong working relationship sa naging ex niya?

“Lahat naman kami, nagmamahalan sa Bubble Gang. Kaya… iyon ang eksena ro’n.

“Palagi nga kaming tinutukso sa Bubble Gang, di ba? Sa Boy Pick Up kasi, kahit wala ako, laging nagdyu-joke-joke.

“Kasi nga, natutuwa sila. So more on tukso-tukso lang ang nagaganap. Hanggang gano’n lang.”

Malabo na bang magkabalikan sila ni Boy 2?

“E… it depends nga lang, di  ba?”

May nagawa ba si Boy 2 na nakasakit nang husto sa kanya o kaya ay mahirap niyang makalimutan, o mapatawad ito?

“Alam mo, kaibigan ko si Boy 2. So mas maganda ‘yong… it will remain like that.”

Kung papipiliin siya, si Boy 2 ba o si Aaron?

“Choose wisely!” natawa ulit si Rufa Mae. “Uhm… ngayon kasi, kasama kong madalas sa taping si Aaron. Pero hindi ko naman siya pinipili.

Nakakasama ko rin si Boy 2 sa taping ng Bubble Gang.

“So I guess… wala akong dapat piliin. Wala muna,” panghuling nasabi ni Rufa Mae.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply