May sala rin sila

BY-THE-SQUARE

ANG pagiging gahaman ang puno’t dulo sa P12 bilyong pyramid scam na bumiktima ng halos 15,000 tao sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Mindanao.

Ang pagiging gahaman ang nagtulak sa mga nagtayo ng Aman Future Trading Investment para lokohin ang kanilang mga kliyente. Samantala ang pagiging gahaman din ang nagbunsod sa mga kliyente ng Aman na magpasok ng higit na mas malaking puhunan sa pyramid company sa pag-asang dodoble ang kanilang kita.

Kung hindi sana sila nasilaw sa kitang walang puhunan kundi bola ay hindi sana sila naloko ng mga taga-Aman. Kaya mga kababayan sa susunod ay huwag kalilimutan na walang “easy money.”

Ika nga ng mga matatanda “If it is too easy, it is not true.”

* * *

NITONG nagdaang Biyernes ay ginunita ng buong mundo ang masakaer ng 54 na tao, kabilang na ang mahigit ng 30 mamamahayag, sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao nuong 2009.

Habang ginugunita ang masaker ay patuloy na nananaghoy ang mga kamag-anak ng mga biktima ng malawakang pagpatay para sa katarungan. Dangan kasi halos 100 tao ang hindi pa nahuhuli kaugnay ng patayang naganap.

Samantala ang mga nahuli naman ay nagpapatay oras sa likod ng rehas dahil ginagawa naman ng kanilang mga abogado ang lahat ng paraan upang bumagal ang daloy ng paglilitis. Puro delaying tactics ang kanilang ginagawa upang tumagal ang proseso sa pagnanasa siguro na mag-abot na lamang  sa hukay ang mga biktima at kanilang kliyente.

Hindi na dapat maulit ang ganitong pangyayari sa ating bayan na bunga ng pagsasamantala sa kapangyarihan ng mga pamilyang nasa poder. Dapat maging mapagmatyag ang taong bayan lalo na’t parating ang halalan.

Huwag iboto ang mga magkakamag-anak sa poder ng hindi na maulit ang Ampatuan masaker.

* * *

Hindi sinipot ni Kyusee Mayor Herbert Bautista ang induction kamakailan ng mga reporter na nag-co-cover sa kanya at sa makasaysayang lungsod. Wala raw pakialam ang punong lungsod kung magalit sa kanya ang mga reporter dahil lubog daw ang mga ito sa utang na loob sa kanya.

Marami ang napanganga sapagkat hindi lamang ang mayor ang wala. Hindi rin nagpakita ang mga opisyal ng pamahalaan at konsehal ng lungsod. Bakit kaya? Lubog rin kaya sa kanila sa utang na loob ang mga mamamahayag na ito?

Ayon sa ating mga sources, malakas ang loob ni Bautista na isnabin ang media dahil sa wala naman siyang kalaban sa halalang darating. Hindi raw niya kailangan ang mga reporter sa city hall dahil tulad ng maraming opisyal sa barangay ay puro pakabig ang karamihan sa mga ito. Bukod pa rito ay madali naman daw siyang “makabibili ng serbisyo ng mga reporter.”

Mayor Bautista hindi lahat ng reporter ay nabibili o nababayaran.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.

* * *

Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply