Mayor Bernabe isa-subpoena ng committee

florencio-bernabe

IPATATAWAG ng House Committee on Natural Resources ang mga lokal na opisyal ng Parañaque at Las Piñas kapag patuloy nilang inisnab ang susunod na pagdinig ng komite.

Ito ay kaugnay sa proyektong reclamation sa may 635.14 ektaryang Manila Bay na pinaimbestigahan ni Parañaque Rep. Edwin Olivarez na pangunahing isinusulong ng local officials ng Parañaque at Las Piñas sa pakikipag-ugnayan sa ALLTECH at PEAMARI.

Si Mayor Florencio Bernabe ng Parañaque ay naimbitahan na dumalo sa komite subalit hindi lumutang na siyang ikinairita ni Olivarez at nagmungkahing padalhan ng subpina kung patuloy na iisnabin ang hearing.

Sa pagdinig ay tahasang sinabi ni dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar na hindi man lamang nagkaroon ng konsultasyon sa mga residente na maaapektuhan at babahain sakaling matuloy ang reklamasyon.

Napagkasunduan sa komite na repasuhin ang Environmental Compliance Certificate (ECC) at agad kanselahin sa sandaling mapatunayang may paglabag sa pag-iisyu nito.

Aniya, batay sa pag-aaral ay manganganib na lumubog sa baha ang may 37 Barangay sa Bacoor, 17 Barangay sa Las Piñas at 11 barangay naman sa Parañaque kung maipatutupad ang proyekto.

Dumalo sa pagdinig ngayong hapon ang iba’t ibang sector sa naturang dalawang siyudad na pangunahing nangangamba kung matutuloy ang proyekto dahil sa kakaharapin na sakuna.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply