Mayor Del De Guzman nagpasalamat sa tagumpay ng Sapatos Festival 2012

del-de-guzman1

NAGPAABOT ng pasasalamat si Mayor Del De Guzman sa suportang ibinigay ng mga alkalde ng 16 lokal na pamahalaan ng Metro Manila sa Sapatos Festival 2012 lalo na sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa Shoe Caravan ng Marikina.

Ang Shoe Caravan ay isa sa mga mahalagang bahagi ng Sapatos Festival 2012 na naglalayong mas mapaalaala sa mga residente ng mga karatig-lugar na ang Marikina ang nananatiling Shoe Capital ng bansa, kasabay na rin nito ang pagdadala sa 16 na lugar sa Metro Manila ng mga dekalidad na sapatos na gawang Marikina na maaaring mabili sa presyong mas mura nang 30% kaysa sa kahalintulad na produkto sa ibang pamilihan.

Ngayong taon, ang 41 magsasapatos na lumahok sa Shoe Caravan at Mega Shoe Sale sa mga shopping mall ay kumita ng PhP12, 822.134.85 (gross sales), kitang di hamak na mas mataas kaysa noong 2011 na PhP8,622,305 (gross sales).

“Lubos tayong nagpapasalamat sa mga alkalde ng Metro Manila na ating binisita para sa ating Shoe Caravan ngayong taon. Malaking tulong ito sa ating mga magsasapatos at sa lokal na pamahaalan para sa muling pagpapasigla ng industriya ng sapatos. Kanilang pinatunayan na tayong mga Pilipino ay nagtitiwala pa rin sa Marikina pagdating sa mga dekalidad na sapatos,”wika ni De Guzman.

Binisita ng Shoe Caravan ngayong taon ang mga lungsod ng  Valenzuela, Malabon, Navotas, Caloocan, Quezon, Taguig, Pateros, Muntinlupa, Antipolo, San Juan, Manila, Pasay, Parañaque, Pasig, Mandaluyong, at Makati, ganoon din ang ilang mga shopping mall tulad ng SM City Marikina, Lucky China Town Mall, Las Piñas Starmall, at San Jose Del Monte Starmall.

“Para sa mga hindi pa nakabibili ng sapatos o nais pang humabol para upang gawing panregalo ito ngayon Kapaskuhan, nananatiling bukas hanggang ika-31 ng Disyembre ang Patio Del Zapateros (katabi ng Shoe Museum) sa Barangay San Roque. Doon ay makabibili pa rin ng dekalidad na sapatos na gawang Marikina sa mababang halaga lamang,”

Samantala, ilan sa mga aktibidad na ginawa para sa pagdiriwang ng Sapatos Festival 2012 ay ang Feast of St. Crispin, Shoe-per Star Alley, Tap Dance para sa mga Senior Citizens, Shadow Dance, Shoe-Gala, Fa-shoe-n-show, Tour De Takong a.k.a. Stiletto Race, Gawad Kapitan Moy, Konsiyerto sa Plaza ni Kapitan Moy kasama ang bandang 6cyclemind, at Bike Fest.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply