Mayor Lim sira kay De Ocampo at panawagan kay SILG Roxas

burdado- jun briones

KUNG tapat si Manila Mayor Alfredo Lim sa kanyang pa-nawagan sa mga may-ari ng punerarya na huwag tagain ang mga may-ari ng patay, ito ang dapat niyang gawin; Sibakin si S/Insp. Joselito de Ocampo, ang hepe ng MPD Homicide Section.

Kalat na kasi, parekoy, na itong si De Ocampo ay may lingguhang tara umano sa mga may-ari ng punerarya.

Maliban pa ‘yan sa “lagayan” bago ka makakuha ng accreditation sa MPD.

Kung totoo ito Mayor Lim, saan naman kukunin ng mga may-ari ang kanilang “ipinalulunok” dito kay De Ocampo?

Hindi ba’t obligadong ipapatong nila ito sa presyo ng kanilang funeral services?

Ibig sabihin, balewala ‘yang panapanawagan mo, Mayor Lim, sa mga may-ari ng punerarya na huwag mananaga gayung matindi pala kung mam-boldyak itong si De Ocampo!

Tangna, parekoy, kalawang nga ang sumisira sa bakal! Kung ito’y totoo, sa tingin mo ba, Mayor Lim, ay si Joey De Ocampo lang ang masisira sa ganyang gawain?

Ikaw yorme ang kanyang winawasak! At pag minalas ay malaking tulong pa siya para mailampaso ka ni Erap!

Kaya naman pala uhaw sa dugo ang animal na ito, na kesyo ay madalas mang-agaw ng baril ng pulis ang mga suspek na kanilang hawak.

Marahil, parekoy, ay nag-a-advance ng tara kaya kailangang marami ang patay!

Hak, hak, hak . . . Pwe!

-o0o-

PATULOY ang panawagan ng mga taga Region 8 kay DILG Sec. Mar Roxas kaugnay sa laganap na iligal na sugal na “swertres” sa kanilang lugar.

Matatandaan, parekoy, na paulit-ulit nating inilalabas dito ang nasabing talamak na iligal na gawain sa nasabing rehiyon at ang itinuturong dahilan kaya hindi ito masawata dahil sentralisado umano ang ‘weekly payola’ sa tanggapan ni RD C/Supt. Elmer Soria.

Ibig bang sabihin nito ay balewala lang kay Sec. Mar Roxas ang iligal na sugal?

Ginoong Secretary, ngayon mo ipakita na karapat-dapat ka sa aming boto sa pagka-Presidente sa 2016!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply