Maysakit pero lumipad? Awesome ka, boy!

ed verzola

MUKHANG galit lang si Pangulong Benigno Aquino III sa International Monetary Fund at sa kanilang Chief Executive Officer-Managing Director Christine Lagarde matapos na hindi niya sinipot ang ale pagdating nito sa ating bansa.

Sa halip, si Vice President Jejomar Binay na lang ang humarap kay Lagarde na nasiyahan naman sa kanyang pagtungo at pakikipagpulong sa Coconut Palace ni Ka Jojo.

Ganda eh.

Kaya naman natin nasabing baka galit lang si Pangulong Aquino, kasi ba naman ilang araw bago bumisita sa atin ang IMF chief, naglabas ang kanyang ahensiya ng collated report on smuggling in the Philippines under three administrations!

Aba, nakagugulat at nakaiirita ang IMF report, kung totoo.

Sabi ng IMF, noong panahon ni dating Pangulong Josep ‘Erap’ Estrada na hindi niya natapos ang kanyang termino (1998-2001) ay nagtala ito ng 3.8% sa kaso ng smuggling.

Baka kung natapos niya ay aabot pala sa 9%. Noong panahon ni dating Pangulo at Pampanga Congressman Gloria Macapagal-Arroyo, sa loob ng kanyang 9 na taon sa Malakanyang ay umabot ang smuggling sa 3.1% lamang.

At ngayon, sa halos 3 taon lamang  ni  G. Aquino, nagtala ito ng 19.6%

Anak kayo ng pitumpu’t pitong puting tupa! Paano ninyo nagawa iyan, mga lintik?

Hala, sino nga ba naman ang matutuwa sa report ng IMF na iyan? Mapanirang puri sa administrasyong PNOY yan, ha.

Kaya naman, nang dumating si Aling Christine sa bansa na asang-asang makahaharap, makakausap niya ang binatang Pangulo, betlog ang inabot ng ale. Walang Noynoy sa kanyang harapan.

Katulad naman ng nakasanayan ng media at madlang pipol, heto ang mga trumpeta ng Malacanang na kargado ng depensa, alibi at paliwanag. Sabi ng tila nananaba na si Atty. Abigal Valte, “Sorry na po, matindi talaga ang lagnat ng aking bossing dahil sa kakulangan at kawalan ng pahinga sa pagtatrabaho, tapos ma-tindi rin ang kanyang sipon at ubo…”

Hayun naman pala eh, ma-awa naman tayo sa Pangulo.

Pero teka muna mnga ka BALETODO, kung maysakit ang isang tao, kailangan niya ang todong paghinga di ba? At kung sobra ang taas ng lagnat, sipon at ubo, isang linggo yan dapat kasabay ang pag-inom ng maraming tubig at bitamina para malakas agad pagbawi.
Iyan ba ang ginawa ng our dear president? Yes.

Matapos ang 48 oras na pagbisita ni Aling Kristina Lagarde ay umuwi agad ito sa kanyang teritoryo ngunit nagpapogi pa din ng kanyang pahayag na Wow Philippines daw tayo dahil sa kabila ng krisis pandaigdigan, matikas pa rind aw tayong nakatayo kumpara sa maraming bansa samundo lalo na sa Asya. Matindi rin mambola ang ale. Sa Asya tayo ang may pinakamababang punto ng pag-asenso!

Kaya lang sinasabi na matatag ang ekonomya ng Pilipinas ay dahil sa mabag ng ating mga migrante at Overseas Filipino Workers (OFWs). Iyan ang walang duda na katotohanan. Kasinungalingan na sabihin mahusay kasi ang economic managers ng administrasyong Aquino tulad ng pagyayabang nila kamakailan sa New Zealand at Australia. Walang bagong investment, walang trabaho at tumaas ang puntos ng mga nagugutom at naghihirap ayon mismo sa kakampi nilang Social Weather Station (SWS).

Hirit pa?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply