Mayweather Jr. binigyan ng ultimatum ni Pacquiao

BINALAAN ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. na kung hindi matutuloy ang laban nilang dalawa sa 2013 ay hindi na ito mangyayari pa.

Agad tumugon si boxing superstar Pacquiao nang muling naduwag na naman ang Amerikanong boksingerong si Mayweather, Jr.

“If the fight does not happen in 2013 there’s a big chance it will not happen anymore.” wika ni Sarangani Rep. Pacquiao. “It’s really up to Mayweather.”

Gumawa na ng paraan ang Pambansang Kamao para matuloy ang laban nila ng madaldal na boksingero.Pumayag na si Pacquiao sa gustong hatian ng kalaban na 45-55 sa kikitain sa Pay Per View pabor kay Mayweather.

Pumayag din si Pacquiao sa gustong drug testing ni Mayweather subalit kamakalawa ay ngumawa ulit ang huli at sa kanyang mga sinasabi ay parang ayaw na ulit nitong lumaban sa una.

Sinabi ni Mayweather na walang karapatang mag-demand si Pacquiao dahil palubog na aniya ang career nito sa boxing.

“You have to realize this, in my opinion, Manny Pacquiao is desperate.” pahayag ni Mayweather.

Parang sumusuko na rin si Pacquiao na matutuloy ang kanilang laban ni Mayweather kaya naman nag-concentrate na lang siya sa nalalapit niyang bugbugan kay Juan Manuel marquez ng Mexico.

Sa Disyembre 8 ang suntukan nina Pacquiao at Marquez sa catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout.

Magtatagpo sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa pang apat na pagkakataon sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply