Mayweather naduwag na naman

NADUWAG na naman si Floyd Mayweather Jr. dahil may panibago na naman itong dahilan para hindi matuloy ang mega fight nila ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Pumayag na si Pacquiao sa 45-55 na hatian sa laban niya kay undefeated boxer Mayweather Jr., subalit hindi na naman ito kinagat ng huli dahil palubog na raw ang career ng huli.

“Floyd Mayweather claiming Manny Pacquiao is the one decline and is desperate to land a fight against him, even willing to lower his financial demands.” mababasa sa Philboxing.com website.

Dahil sa mga pagbabatikos muli ni Mayweather Jr. ay naniniwala si Freddie Roach, chief trainer ni Pacquiao na malabong mangyari ang matagal ng nilulutong laban sa pagitan ng dalawang sikat na boxers.

Sinabi pa ni Mayweather Jr. na dahil papalaos na si Pacquiao at hindi na siya makakahakot ng maraming pera kung sakaling magkaharap sila sa ring.

Dagdag pa ng mayabang na Amerikanong boksingero na ginagamit na lang ng Pambansang Kamao ang pangalan nito para sa promosyon ng nalalapit niyang laban kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

“In my opinion, Manny Pacquiao is desperate. He doesn’t make his own decisions, because Manny Pacquiao has a boss, his promoter Bom Arum, who makes his decisions. Once you take a loss and you’re on the decline.” patutsada ni Mayweather Jr. sa website.

Taong 2009 pa niluluto ang Mayweather-Pacquiao fight ngunit hindi pa rin ito maisara dahil sa mga kakaibang demands ng African-American boxer.

Unang hiling ni Mayweather ay ang dumaan sa U.S. Anti-Doping Agency random drug-testing si Pacquiao, nang pumayag ang Pinoy na dumaan sa testing sa ilalim ng ibang testing agency ay naging dahilan naman ni Mayweather ang pagnanais niya ng mas malaking parte sa kita ng laban.

Magtatagpo sina Pacquiao at Marquez sa pang apat na pagkakataon sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply