M’cañang dismayado sa pagbawi sa live coverage ng Maguindanao massacre trial

sec-edwin-lacierda

DISMAYADO ang Malakanyang sa naging desisyon ng Korte Suprema na ipagbawal na ang live coverage ng trial ng Maguindanao massacre.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na nananatili ang kanilang posisyon sa live coverage ng Maguindanao massacre trial kaya’t umaasa sila na magbabago pa ang Korte Suprema sa desisyon nilang ito.

“Remember that the President asked for a live trial and certainly we would like the trial of the Maguindanao massacre to be covered live. I hope that they can revisit their decision—even their decision not to cover it live. But it is the litmus test of the judiciary and it is important for us—both the public and media—to be able to know what’s going on in the Maguindanao massacre trial,” ayon kay Lacierda.

Sa ulat, binaligtad ng Korte Suprema ang kanilang June 2011 ruling, na pumapayag sa live media coverage sa mahigit tatlong taon ng paglilitis sa karumal-dumal na Maguindanao massacre, kung saan ay 58 katao ang namatay kabilang na ang mga miyembro ng media.

Sa huling desisyon ng Mataas na Hukuman ay pinagbigyan nito ang petisyong inihain ng kampo ng mga Ampatuan, na humihiling sa Korte Suprema na ire-consider ang June 14, 2011 ruling na isinulat ni Associate Justice at ngayon ay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na pumapayag sa live coverage ng tinaguriang high-profile trial.

“The court] partially grants the Motion for Reconsideration dated June 27, 2011 filed by accused Andal Ampatuan, Jr. and modifies this Court’s Resolution dated June 14, 2011, by disallowing the live media broadcast of the trial,” ang nakasaad sa pitong-pahinang ruling ng Korte Suprema na ipinalabas noong Oktubre 23.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply