M’cañang iwas sa isyu ng basura ng MV Glenn

pnoy

HIHINTAYIN muna ng Malakanyang ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Bay Metropolitan Authority (SBMA) kaugnay sa  ulat na ang MV Glenn Guardian, sasakyang pandagat ng Malaysian shipping firm Glenn Defense Marine Philippines ay nagpakawala ng bultong basura o waste water sa Subic Bay.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi muna makikialam ang Malakanyang sa usaping ito hangga’t hindi alam ng Punong Ehekutibo ang resulta ng SBMA.

“From what we understand, the VFA does not yet apply because this particular entity, ‘yung Glenn Defense (Marine Philippines), is a third-party. So third-party corporation po ito, so hindi po magpo-fall under doon sa VFA. Well, just the same, from what we understand also the SBMA is already investigating this and I think Senator Miriam Defensor-Santiago has also manifested her intent to investigate this under the oversight functions of the committees in the Senate,” ani Usec. Valte.

Sa ngayon, ang magagawa lamang ng Pangulong Aquino ay ang i-monitor ang iba pang sitwasyon upang maiwasan na maulit ang insidenteng ito.

“Well, first, syempre ‘yung monitoring has to be there and ‘yung enforcement,” aniya pa rin.

Bukod sa SBMA ay makikiisa rin ang Local Government Units (LGUs) sa pag-monitor sa kapaligiran.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply