M’cañang ‘no comment’ muna sa plano ng China

WALANG pormal na pasabi ang Chinese government kaugnay sa balak na magsagawa  ng inspeksyon sa bawat sasakyang pandagat na pumapasok sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea o West Philippines Sea.

Ayon kay Communications Sec. Ricky Carandang, mas makabubuting no comment muna sila sa usaping ito lalo pa’t hindi pa naipararating ng China sa Pilipinas.

Base sa direktiba, epektibo January 1, 2013, may karapatan na ang pulisya mula sa lalawigan ng Hainan na akyatin ang mga barko at iba pang sasakyang pandagat na pumapasok sa disputed islands.

Sinabi ng Kalihim na kailangang linawin muna ng Chinese Embassy ang nasabing hakbang at kung ito ay galing sa Beijing.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na sa kanilang pagkakaalam, ang direktiba ay galing lamang sa local official at hindi atas ng kanilang national leadership.

“I’m not aware of anything like that, and they’ve not communicated anything to us formally. So, I’ll refrain from commenting on that, for now. I’m not gonna comment on that muna until we’ve gotten a more definitive word about what was said exactly, and until it’s communicated to us,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply