Media coverage sa Maguindanao massacre trial, pwede pa rin – SC

supreme-court-of-the-philippines

PAPAYAGAN pa rin ng Korte Suprema ang media na makapagcover sa pagdinig ng Maguindanao massacre.

Sa pinakahuling desisyon ng Supreme Court, nilinaw nito na ang kanila lamang binabawi ay ang live coverage sa pagdinig.

Kaugnay nito, nagpalabas din ng bagong panuntunan ang hukuman kaugnay sa pagcocover ng nasabing paglilitis na binansagang “Trial of the Decade.”

Magtatalaga ang korte ng closed circuit viewing sa labas ng courtroom para sa sinumang nagnanais na makapanood ng pagdinig.

Maglalagay din ang korte ng closed circuit viewing sa mga piling trial court sa Maguindanao, Koronadal, South Cotabato at General Santos City kung saan nakatira ang karamihan sa mga kaanak ng mga biktima.

Papayagan ang recording sa pagdinig pero ito ay para lamang sa documentary purposes.

Ang orihinal na audio-visual recording ay idedeposito sa National Museum and Records Management and Archives Office.

Isang fixed compact camera ang ikakabit na magpapakita ng kabuuang view ng courtroom, pero bawal ang panning at zooming.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply