Media killing victims bibigyan ng katarungan

TINIYAK ni Pangulong Benigno Aquino III na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga naging biktima ng Maguindanao massacre at ang lahat ng biktima ng media killings.

Sa 9th Media Nation Summit sa Taal Vista Hotel , Tagaytay City kanina ay sinabi ni Pangulong Aquino na hindi titigil ang pamahalaan na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga ito.

“In cases of media killings for example, we in government are demanding the apprehension of suspects and the filing of charges that stick, resolving injustice for all involved,” anito.

Sinabi pa rin  niya na sa ibang kaso ng pagpaslang laban sa miyembro ng media ay sinabi nito na “the government has taken affirmative and just action.”

Binigyang halimbawa nito ang isang gobernador na nasuspinde matapos patayin ang isang broadcast journalist.

“More than anything the protection of all journalists included relies on the fair and impartial dispensation of justice,” aniya pa rin.

Bukod aniya rito ay kailangan ding kumilos ng korte upang resolbahin ang mga nasabing kaso.

“As the saying goes, justice delayed is justice denied,” anito sabay sabing “We must have courts that are impartial and fair in the verdicts they hand out. If the courts demonstrate impunity at the top then the lowest regional trial courts will follow suit. This is why I’ve been so focused on reforming our justice system,”

Samantala, wala namang categorical reference hinggil sa  Maguindanao massacre sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply