Mega job fair sa kaarawan ni Recom

BILANG regalo ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa kanyang sarili at mga kababayan ay magsasagawa ito ng mega job fair sa pagseselebra ng kanyang kaarawan upang matulungan ang mga residenteng naghahanap na trabaho.

Ayon kay Echiverri, sa November 16 (Biyernes) ay magsasagawa ng mega job fair sa harapan ng city hall main na matatagpuan sa A. Mabini St. na sisimulan alas 8:00 ng umaga at magtatapos bandang alas 4:00 ng hapon.

Sa November 28 (Miyerkules) naman ay magkakaroon din ng mega job fair sa city hall annex na matatagpuan sa Zapote Road, Camarin II na sisimulan at matatapos din sa parehas na oras.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Echiverri sa mga tumulong upang magkaroon ng kaganapan ang proyektong ito na kinabibilangan ng tanggapan ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri, Labor and Industrial Relations Office-Public Employment Services Office (LIRO-PESO), Department of Labor and Employment (DOLE-CAMANAVA) at Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Kabilang sa mga bakanteng posisyon na kakailanganin sa mega job fair ay ang accountant; secretary; sales clerk; welder; waiter/waitress; cook; janitor/janitress; engineer; encoder; bagger; machine operator; service crew; kitchen staff; call center agent; graphic artist; promodizer; automotive mechanic, stockman, factory worker, driver at domestic helper.

Hinikayat din ni Mayor Recom ang mga residenteng naghahanap ng mapapasukang trabaho na dumalo sa gaganaping mega job fair dahil sa pamamagitan nito ay hindi na kinakailangang magtungo ng mga aplikante sa malalayong lugar para lamang makakuha ng kanilang ikabubuhay.

Samantala, sa mismong kaarawan naman ni Mayor Recom (November 18) ay magsasagawa din ng libreng serbisyong medikal at caravan ang alkalde na gaganapin sa Pag-Asa Elementary School, Phase 7, Bagong Silang, Caloocan City na sisimulang dakong alas 7:00 ng umaga.

Bukod sa feeding program na aabot sa 1,400 na kabataan ang mabibiyayaan ay magbibigay din si Mayor Recom ng 1,000 reading glass, magbibigay din ng pamurga sa mga kabataan, magsasagawa rin ng libreng gupitan, free medical at dental, libreng tule, pre-natal, tubal ligation at iba pa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply