Mekaniko utas sa pananambang sa Kyusi

PALAISIPAN pa sa pulisya ang pamamaril  sa isang mekaniko ng hindi pa nakikilalang salarin sa tapat ng kanyang shop sa Batasan hills  Quezon City kagabi.

Nagawa pang maisugod  sa East Avenue Medical Center ang bikitma bago binawian ng buhay na kinilalang si Joel Ibuña, 36, motorcycle mechanic ng B-37 , Lot 17, St. Theresa Deca homes, Marilao , Bulacan sanhi ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Ayon sa ulat ni PO2 Zaldy Notarte ng QCPD Station 6, nangyari ang pamamaril pasado alas 8:00 kagabi sa panulukan ng IBP road  at Philinvest road 1 Batasan hills.

Batay sa ulat nagsasara ng kanyang shop ang biktima sa lugar nang pumarada sa tapat  ng shop ang isang kulay asul na van (TWD-148).

Isa sa dalawang  lalaki ang bumaba sa van bago biglang pinagbabaril ang biktima bago mabilis na nagsitakas sakay ng naturang van.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply