Metro Manila makararanas ng bahagyang pag-ulan

MAKARARANAS ng bahagyang maulap na papawirin na may pag-ulan ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa ngayong araw.

Apektado pa rin ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Visayas at Mindanao habang nakakaapekto naman sa Northern Luzon ay ang northeast monsoon o Amihan

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nananatiling pinakamalamig ang temperatura sa Baguio City sa 14 degrees Celsius samantalang pinakamaalinsangan ang panahon sa Tuguegarao City, Laoag City, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Clark Zone sa 32 degrees Celsius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply