Mexico niyanig ng magnitude 6.0 na lindol

NIYANIG ng magnitude 6.2 na lindol ang bahagi ng west-central sa Mexico.

Ayon sa National Seismological Service ng nasabing bansa, naitala ang epicenter ng lindol sa timog-kanluran ng Mexico City.

Nagpalibot naman agad ng mga helicopter sa mga naaapektuhang lugar upang alamin kung nagdulot ng pinsala ang lindol.

Tiniyak nina Mayor Marcelo Ebrard at President-elect Enrique Peña Nieto na walang matinding damage na iniwan ang lindol.

Bagama’t ilang government officials ang naghayag na mayroong maliit na pinsalang iniwan ang malakas na lindol.

Gayunman, ay business as usual pa rin at nananatiling normal ang mga pasok sa paaralan ng mga estudyante sa Mexico.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply